Travel blogs by Travellerspoint

A king dethroned...

pilit hinahanap ang liwanag...

xx2.jpg

More than 2 years pare… 2 years… Dalawang taon na ako sa panig nang liwanag. Dalawang taon na akong “hari” sa munti kong mundo.
Pero sabi nga nila, we work in a real time basis so prices and availability are subject to change!
Puta naman!
Wag naman yung ganito… wag yung wan two punch combo!
GY na nga ABay pa?!?
Naman o! Isa-isa lang ang upak!
Feeling ko parang tinamaan ako nang 99 hit combo ni Wolverine eh!

Putang ina talaga!
Pwede kong punuin tong espasyong to nang mura eh….
Yun nga lang wala ring mangyayari…
pero last na… PUTANG INA TALAGA!!!!

Dalawang araw (o gabi) na akong di kumakain nang lunch (o midnight snack ba?!?) at mahigit 3 araw na akong di nakakainom.
Yun yun eh!
Di na ako sanay uminom nang alak nang tanghaling tapat!
Mas madami nga kung tutuusin ang mga kainuman ko dito… pero yun lang sila … mga kainuman.
Iba ang kaibigan sa baso sa tunay na katoto.
Wala yung tatlong demonyo ko… apat na pala kasama yung isa galing baba.
Di ako sanay brad!
Di ko kilala yung karamihan dito. Di ko mailabas lahat nang pitong buntot nang pulang lobo na nasa loob ko. Daig pa yung may 5 elements Shakra seal ni Naruto!!!
Masyadong maraming mga agila… masyadong maraming Tupperware at Orocan brad! Daig pa plastikan sa Malabon!

Kailangan ko na nang sinag nang araw… sa kanila na yung Night Diff!
Pwe!
Di masusulusyonan nun ang sakit kong Pupaphobia.

Tae! Yung Mob ko nga pala bihira ko nang mabisita dahil sa sched na to! Kung pwede ko nga lang bang kunin yung Mini-gun o kaya yung Molotov mula dun sa laro, ginawa ko na eh! Damay-damay na lang!

Arrrgggghhhh!!!! Sana mabalik na ako sa kaharian ko na inaangkin nang iba…

Oo nga pala babawiin ko yung sinabi ko kanina sa taas…

PUTANG INA MO Coñong Negra!!! (Balbon no offense meant…)

Posted by AlphaMale 18:13 Comments (3)

Super Emo

Kantang Bayan...

ist2_38942..hero_1_.jpg

Di pa sasapit ang dilim
Naghahasik na ng lagim
Sa mga babae
ang ating tagapagligtas
Lahat sila’y nagsisilabas

Pagsapit ng dilim
Marami siyang nakikita
Malilikot ang kanyang mata
Na nakakatakot lalo kung panti’y yellow
Matatakot lahat kahit na mga multo

Refrain:
Tulong! Tuhog! Sakmal mo!
Kailangan mo ng tuhog ko!

Chorus:
Mang Ambo, Mang Ambo
Ang mama na pwedeng kaladkarin!
Mang Ambo parang si Capco din
Ngunit pagkatapos ay bigla kang iisnabin!
Mang Ambo!

[Repeat stanzas 1 & 2]
[Repeat refrain & chorus]

[Repeat refrain]

Mang Ambo, Mang Ambo
Ang mama na pwedeng kaladkarin!
Mang Ambo parang si Capco din
Ngunit pagkatapos ay bigla kang iisnabin!

Mang Ambo, Mang Ambo
Ang mama na pwedeng kaladkarin!
Mang Ambo parang si Capco din
Ngunit pagkatapos ay bigla kang iisnabin!
Mang Ambo!

Posted by AlphaMale 20:01 Comments (1)

Ang SpaghEmo

(isang kwentong bayan)

three_kings.jpg

Dun sa malayong kaharian nang Tao-Tungkod, may tatlong gwapong magkaka-inumang prinsipe... Si Aaron, Billy at si Ramsey.

Isang araw naisipan nilang tatlo na lumabas nang kaharian at dumayo sa ibang lugar. Nais nilang dalawin ang iba nilang mga kaibigan sa kabilang ibayo nang bundok... sa Kahariang BackStreet. At si Billy na nga ang nanguna sa krusadang ito!

"Tara na mga katoto! Atin na munang lisanin pansumandali ang ating kaharian!" Sabi ni Billy.

" Tama ka jan!" Pag sang-ayon ni Ramsey.

" Pasensya na mga kaibigan.... kailangan kong umuwi sa aming bahay nang maaga ngayong araw. " Pagsusumamo ni Aaron.

Ngunit sadyang mas malakas ang pinagsamang puwersa nang dalawang demonyo kaysa sa isang anghel, kaya napilitan pa ring sumama ni Aaron..

Lulan nang isang karwahe, dumaan ang tatlo sa tindahang walang pintuan at kumuha nang mga kakailanganing kagamitan kagaya nang Agua de Pampataranta at suba.

Dumating ang 3 sa Kahariang BackStreet at sila'y sinalubong nang mga namamanghang mamamayan.

" Ang guwapo naman nang mga 'yan..." sabi nang isang dilag.

" Napaka-kikisig at mukhang masarap... magmahal..." dagdag pa nang isa.

" Mukhang pumapatol yung matangkad!" wika nang isang baklang mukhang kabayo.

Kaagad nang pumasok ang tatlong guwapo sa palasyo nila Reyna C3, Reyna Sakura (asawa ni Haring Sasuke a.k.a Shuriken Boy a.k.a Boy Bugbog) at Emperatris Major.

Pagkapasok nila'y sinalubong sila ni Reyna Sakura at kaagad inabot nang 3 ang kanilang pasalubong sa Reyna.

" Agua de Pampataranta, ang munti naming regalo..." ang wika ni Billy.

" Magaling! Atin nang pagsaluhan!" ang sagot ni Reyna Sakura.

" Nasaan po ang mahal na Emperatris?" ang tanong ni Billy sa kaharap Reyna.

" May pinuntahan lang sandali, ngunit siya'y magbabalik ano mang oras..." sagot nang Reyna na naka-ngisi.

Nagkatinginan lamang ang tatlong prinsipe.

Binuksan na ang dalang regalo at ito'y sinumulang pagsaluhan. Maya-maya'y sumali na rin si Reyna C3 sa kasayahan at pumuwesto sa tabi ni Prinsipe Ramsey, ngunit ang Reyna ay tumangging sumalo sa espiritu nang alak. Kapansin-pansin din ang pagiging malapit sa isa't isa nang long back na prinsipe at nang ilokanang Reyna.

Lumipas ang ilang minuto at dumating na ang Emperatris. Agad siyang sinalubong nang 3 prinsipe na yumukod at nagbigay galang...

"Magandang araw po mahal na Emperatris..." sambit ni Aaron. Ngumiti lang ang Emperatris.

"Kamusta po kayo ..." Tanong ni Prinsipe Billy. Ngumiti lang ang Emperatris.

"Kayo po talaga ang pakay namin dito." ang sabi ni Prinsipe Ramsey...
"Gusto po talaga kayong makita ni Prinsipe Billy..." dagdag pa n'ya.

" Kailangan pa ba nya kayo para lang ako ay dalawin? " sagot nang Empratris.
" at bakit kayo nagsasaya nang wala man lang pasintabi sa akin? " ang sabi nang nagbibirong Emperatris.

Ngunit ang birong yoon ay may kakaibang epekto sa dalawang prinsipeng naroon.
"Aray!" pabulong na sabi ni Ramsey...
"Patay!...." bulalas nang nagulat na si Aaron...

Kaunting katahimikan.... tuloy ang daloy nang Agua... tuloy din ang ikot nang baso...

"Wag mo ngang kalikutin yang dibdib mo sa aking harapan!" ang naibulalas nang nabiglang si Prinsipe Ramsey.

"Tampalasan!!!" ang galit na sagot ni Reyna Sakura, na siyang tinukoy nang prinsipe.

"Sablay! Olats na banat!" mga katagang tumakbo sa isipan nang 3 prinsipe pagkatapos nang mga pangyayari.

Agad namang humingi nang paumanhin si Prinsipe Ramsey at sinuyo ang Prinsesa.

Maya-maya'y nanumbalik na rin ang saya. Itinuloy na nang tatlong prinsipe ang mga pabulong na usapan at ang mga maingat na biruan. Samantalang ang mga Reyna at ang Emperatris ay inaaskaso ang pagkain at hapag-kainan sapagkat malapit nang kumagat ang takip-silim.

Pilit ring sinusuyo ni Prinsipe Billy ang Emperatris ngunit ang isa'y mukhang di agad papatalo... Gayun pa man, di nawalan nang pag-asa ang lalaking hinirang.

Tuloy ang ikot nang baso...

"Aming mga panauhin... may munti tayong salu-salo sa loob nang ilang sandali..." banggit nang isa sa mga Reyna.

"Sakto! di pa ako kumakain mula kaninang umaga!" nasa isip ni Aaron.
"Mahirap kasing lumaban sa dragon kung mabigat ang iyong tiyan! " dagdag pa niya.

" Napaka-bango nang inyong niluto!" puri ni Prinsipe Ramsey.
" Mukhang masarap!" dagdag pa niya.

" Wag na tayong kumain dito...." bulong na pagtutol ni Prinsipe Billy.
" Mga kaibigan... di yata't tayo ay sumusobra na kung sasalo pa tayo sa kanila!" si Prinsipe Billy ulit.

"Gutom na talaga kami at paborito namin ang handa nila!" Nagsusumamong sagot nang dalawang prinsipe.

Lukot-mukhang pumikit na lamang si Prinsipe Billy at napa-iling...

Habang si Aaron at Ramsey naman ay nilalantakan ang inihandang pagkain.

Nang matapos lumamon, sabay rin ang dalwang prinsipe na nag-sindi nang yosi...
patuloy nilang pinag-uusapan ang mga nakaraan nilang pakikibaka at kung anu-ano pang kalokohan...

Habang si Prinsipe Billy naman ay patuloy ang panunuyo sa Emperatris.

Di lumaon ay naubos na rin ang Agua de Pampataranta at nagpasya na ang dalawang prinsipe na umuwi na sa kani-kanilang mga bahay....

" Mga ginoo, sa aking palagay ay nararapat na tayong lumakad at baka tayo'y gabihin at abutan nang malakas na ulan sa ating daraanan. “ aya ni Aaron.

Kaya’t nagpaalam na ang 2 prinsipe sa mga Reyna at sa Emperatris….
Ngunit kapansin-pansin ang katahimikan ni Prinsipe Billy.
Katahimikang nagbabadya nang isang malakas na bagyong paparating!

Nang makababa na ang tatlong gago…este… ginoo, patuloy ang katahimikan ni Billy.

Habang hinihintay nila Aaron at Billy ang karwaheng dala ni Ramsey, pilit inaaliw at kinakausap ni Aaron ang kasama ngunit katahimikan pa rin ang sagot nito…

Bumubuhos na ang malakas na ulan… at ang kanyang malalaking patak ay patuloy na tumatama sa mga bubungan nang kaharian. Ang ingay na nalilikha nito ay ang siyang tanging bagay na bumabasag sa nakakapangilabot na katahimikan…

“Sakay na!” sigaw ni Prinsipe Ramsey na nasa loob na nag karwahe.
Binuksan na ni Prinsipe Aaron ang hulihang pinto nang karwahe at dagli-dagling sumakay upang hindi na sya gaanong mabasa nang ulan.

“Sa harap ka na Billy!” ang sabi ni Aaron sa isang kasama.
“Paki-abot na lang ang mga gamit ko…” sagot naman nang isa.
Ini-abot naman nang napag-utusan ang mga gamit sa pag-aakalang ilalagay lang ni Billy ang mga gamit sa harap kasama n’ya.

Ngunit mali ang kanilang mga akala….

Itinulak nang pasara ni Billy ang pinto nang karwahe at tumalikod!
“Akala ko ba uuwi na tayo?” tanong ni Aaron kay Billy.
“ Di ka ba sasabay?!?” tanong ni Ramsey…
Ngunit patuloy lamang sa paglalakad palayo si Prinsipe Billy... at naiwan na lamang sila Prinsipe Ramsey at Prinsipe Aaron sa loob nang karwahe… nagtataka kung bakit ganoon ang tinuring sa kanila nang kanilang kaibigan.

- WAKAS -

Posted by AlphaMale 20:24 Comments (0)

Budget accommodation bookings

Read reviews from other Travellerspoint members.

(Entries 1 - 3 of 3) Page [1]